TARGET COLLECTION NG MTO DAET PARA SA 2017, NALAGPASAN!

MTforbes608

Enero 3, 2017, Daet, Camarines Norte – Kumpara noong nakatalikod na taong 2016, mas lalo pang lumaki ang koleksyon ng Pamahalaang Lokal ng Daet sa kanilang taunang koleksyon para sa taong 2017 sa pamamagitan ng tanggapan ng ingat yaman.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Municipal Treasurer Mr. Rodante Forbes, kinumpirma nito ang magandang balita hinggil sa muling pag lagpas sa inaasahang koleksyon na pumasok ngayon sa kabang bayan ng Daet sa taong 2017.

Umaabot sa himigit kumulang walang walumpu’t walong (88M) milyong piso ang target collection ng tanggapan ni Municipal Treasurer Forbes para sa nakatalikod na taon at mahigit dito ang kanilang nakolekta mula sa mga buwis at mga koleksyon sa mga renta sa mga pasilidad at ari-arian ng pamahalaang lokal ng Daet.

Ayun pa sa naturang opisyal, umaabot sa tinatayang tatlong milyong piso (3M) ang inaasahang surplus mula sa nakatalikod na taon na ipapasok naman sa general fund ng pamahalaang lokal na magagamit naman sa mga dagdag na proyekto at at serbisyo ng Ochoa administration.

Bunsod nito, nagpasalamat naman si Mayor Benito Ochoa sa pakikiisa ng mga tax payers sa bayan ng Daet at gayundin sa sipag ng mga kawani mula sa tanggapan ng ingat yaman.

b2k1

Ngayong taong 2018, ikinakasa na ni Mayor Benito Ochoa ang ilang mga proyekto at programang kanyang ipatutupad na popondohan mula sa mga buwis ng mamamayan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.