IMMORAL CONDUCT LABAN KAY GOV. EGAY TALLADO, IBINASURA NA NG COURT OF APPEALS!

appeal608

Enero 5, 2017, Daet, Camarines Norte โ€“ Tuluyan nang ibinasura ng Court of Appeals ang huli at ikatlong kasong isinampa laban kay Gov. Egay Tallado noong taong 2016 ng isang nagngangalang Jonel Banal para sa kasong disgraceful at immoral conduct.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Information Officer Sherwin Mata sa naging panayam ng Cool Radio News FM.

Ayon kay Ginoong Mata, Disyembre 15 ng nakatalikod na taong 2017, ibinaba ang desisyon ng Court of Appeals Special Twelfth Division para  sa tuluyang pagbabasura ng nasambit na kaso laban sa gobernador.

Bunsod nito, lahat ng sweldo at iba pang emoluments na hindi natanggap ng gobernador dulot ng suspensyon ay ipagkakaloob na dito.

Dagdag pa ng tagapagsalita ni Governor Tallado, hawak niya ngayon ang authenticated copy ng naturang desisyon na may kabuuang 18 pahina  na nagsasaad ng mga kumpletong detalye kung paano humantong sa pagbasura ng naturang kaso.

Anya, ang pagkakaputol ng termino ni gobernador Tallado bunsod ng dismissal, ay nangangahulugan ng pagkakaroon muli ng karapatan nito na muling tumakbo at manungkulan bilang gobernador sa susunod na panibagong tatlong termino o siyam na taon.

Malaking pabor din anya ito sa mga mamamayan ng Camarines Norte dahil mas maipagpapatuloy pa ng gobernador ang kanyang mga sinimulang proyekto at paninilbihan na nagdulot ng malaking pagbabago sa lalawigan ng Camarines Norte.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.