1 BAHAY SA BAYAN NG DAET, NILAMON NG APOY!

david2

Enero 7, 2018, Daet, Camarines Norte โ€“ Tupok at halos yero nalang ang natira matapos lamunin ng apoy ang isang tahanan sa David Street, Purok 2, Barangay V, Daet Camarines Norte dakong 1:00 ng madaling araw kahapon, Enero 6, 2017.

Mabilis na kumalat ang apoy sa tahanan ni Ginoong Sanny Pancho na natutulog umano kasama ang kaniyang pamilya nang maganap ang sunog dahilan para hindi maagapan ang pagkalat ng apoy na pinaniniwalaang nagmula sa faulty electrical wiring.

Aniya, mga concerned citizens na dumadaan malapit sa lugar ang nakapansin sa nasusunog nilang bahay at nagreport sa  Bureau of Fire Protection (BFP) na agad namang rumisponde sa lugar kasama ang isa pang volunteer fire truck subalit malaki na ang sunog nang dumating ang mga ito dahil na rin sa gawa sa light materials ang nasambit na tahanan.

david1

Agad din namang naapula ang apoy at napigilan na madamay pa ang mga kalapit na tahanan ng nasusunog na bahay.

Mapalad namang walang nasaktan dahil agad umanong nakalabas ng nasusunog na bahay ang pamilya ni Ginoong Pancho matapos maalerto ng mga concerned citizens na nakapansin sa sunog.

david3
david4

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP ukol sa sanhi ng sunog.

Camarines Norte News

Photos courtesy of JP De Leon and Ken Bustillos

Leave a Reply

Your email address will not be published.