MAYOR BENITO B2K OCHOA NG BAYAN NG DAET, NAMAHAGI NG HANDOG PASASALAMAT SA MGA INDIGENT FAMILIES SA BAYAN NG DAET!

handog650

Enero 7, 2018, Daet, Camarines Norte – Kasabay ng pagdiriwang ng 3 Kings ay isinagawa ni Mayor Benito “B2K” Ochoa ang pamamahagi ng libu libong food packs sa mga indigent families sa bayan ng Daet bilang handog pasasalamat ng kaniyang administrasyon.

Ginanap ang pamamahagi sa harap ng Daet Heritage Center kahapon, Enero 6, 2018.

Umaabot sa dalawang libong (2,000) indigent na pamilya mula sa dalawamput limang (25) barangay sa bayan ng Daet ang nabigyan ng food packs na ipinahanda pa mismo ni Mayor Ochoa.

handog2
handog3

Personal na dumalo ang naturang alkalde sa maikling programa kung saan nanguna ito sa distribusyon katulong ang mga empleyado ng LGU Daet. Nagbigay saya din sa mga dumalo ang mga inihandang performances ng ilang grupo ng mga entertainers mula sa nasambit na bayan.

handog1

Kasabay ng pagbati ng maligayang bagong taon ay nagpaabot din ng pasasalamat ang alkalde sa suportang kaniyang natatanggap bilang namumuno sa Pamahalaang Bayan ng Daet at hiniling ang patuloy pang suporta ng mga kababayan upang maipagpatuloy at mas mapalawig pa ang kaniyang nasimulan mula nang magsimula ang kaniyang termino para sa tuloy-tuloy na pag unlad ng bayan ng Daet.

handog4

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.