Enero 12, 2017, Basud, Camarines Norte – Hindi pinapayagan ng LGU Basud na makapag operate sa ngayon ang dalawang sabungan sa nabanggit na bayan dahilan sa ilang mga pag labag ng mga ito.
Sa panayam ng Camarines Norte News kay Mayor Adrian Davuco, sinabi nitong may ilang mga paglabag ang dalawang sabungan sa kanilang bayan partikular na ang hindi nito pagsunod sa zoning ordinance ng kanilang munisipalidad, gayundin ang kawalan ng Noise Barrier at paglabag sa Sanitation code.
Sa ngayon ay malayo umano sa katotohanan na muli pang makapag operate ang dalawang sabungan na matatagpuan sa Brgy. Bactas at San Felipe dahilan sa ito ay nasa mismong residential area.
Sinabi ng alkalde na bukas na rin sila sa pag tanggap ng mga aplikante para sa Games and Amusement subalit mahigpit ang naging paalala nito sa mga nagnanais mag apply ukol sa mga dapat icomply upang mabigyan ng LGU ng permit na makapag operate.
Napag alaman din na sa kasalukuyan ay isang pribadong aplikante mula sa Brgy. Matnog ng naturang bayan ang posibleng magtayo ng sabungan sa oras na makapag comply ito sa mga itinakdang requirements ng LGU.
Charlotte V. Marco/Aris Zante Zamudio Alexopoulos
Camarines Norte News