SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG DAET, NATAGPUANG WALA NG BUHAY SA SARILING SILID!

Enero 15, 2018, Daet, Camarines Norte โ€“ Wala ng buhay nang matagpuan sa loob ng sariling silid ang isang senior citizen sa Purok 6, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte dakong 9:30 ng umaga kahapon, Enero 14, 2017.

Ayos sa imbestgasyon ng Daet Municipal Police Station, wala ng buhay nang matagpuan habang nakahiga sa kama nito sa sariling silid ang 65 anyos na senior citizen na kinilalang si  Benjamin Rigodon y Carrascal, residente ng nasambit na lugar.

Nabatid na dakong 9:00 ng gabi kamakalawa, Enero 13, 2017 ay dumanas ng minor heart attack ang biktima subalit tumanggi umano itong magpadala sa ospital.

Dinala na sa isang funeral homes sa bayan ng Daet ang katawan ng biktima na sasailalim sa post mortem examination upang matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.