SHOP NG ISANG 29 ANYOS NA NEGOSYANTE SA BAYAN NG DAET, PINASOK NG DI NAKILALANG KAWATAN; LAPTOP NATANGAY!

Enero 15, 2018, Daet, Camarines Norte – Pinasok ng hindi nakilalang kawatan ang isang NBI Clearance Online Application Shop sa bahagi ng Carlos Segundo St., Brgy.III, Daet, Camarines Norte dakong 10:00 ng gabi kamakalawa. Enero 13, 2018 at natangay mula dito ang isang laptop na pag aari ng nangungupahang negosyante.

Kinilala ang biktima na si Frances Lou Bariuany Raguin, 29 anyos, negosyante at residente ng Brgy. VI ng parehong bayan.

Base sa tala ng Daet Municipal Police Station, habang wala sa nasambit na shop ang biktima ay nakatawag umano ito ng tawag mula sa Punong Barabgay ng naturang lugar na diumano sa kanilang pagroronda ay nadiskubreng pwersahang pinasok ng di nakilalang kawatan ang inuupahan nitong kwarto/shop.

Nabatid na nakapasok ang kawatan matapos na sirain ang maindoor ng kwarto at nang makapasok ay tuluyan nang tinangay ang itim na ASUS Laptop ng biktima na nagkakahalagang Php 26, 000.00.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet MPS ukol sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa ninakaw na gadget.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.