21 ANYOS NA BABAE, ARESTADO SA BAYAN NG DAET SA KASONG 2 COUNTS OF KIDNAPPING AND SERIOUS ILLEGAL DETENTION!

Enero 16, 2018, Daet, Camarines Norte โ€“ Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Basud Municipal Police Station, Daet Municipal Police Staton at CIDT-Camarines Norte ang isang babae  sa Daet Public Market dakong 11:00 ng umaga kahapon, Enero 15, 2018.

Kinilala ang nadakip na si Apple Sarvida y Simeon, 21 anyos, saleslady at residente ng Purok 7, Brgy. Caayunan, Basud, Camarines Norte.

Inaresto si Sarvida sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Roberto A. Escaro ng Regional Trial Court Branch 38, Daet, Camarines Norte para sa kasong 2 counts of Kidnapping and Serious Illegal Detention sa ilalim ng criminal case number 16977-16987.

Napag alamang taong 2015 ng sampahan ng reklamo ang naturang suspek ng magulang ng 19 anyos na dalagang diumano ay karelasyon nito.

Base sa reklamo, pwersahan umanong  dinala ng suspek ang dalaga sa isang abandonadong bahay sa isang barangay ng parehong bayan kung saan ay itinali, binusalan ng panyo at tinutukan ito ng kutsilyo.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Basud MPS si Sarvida na mariin namang itinanggi ang akusasyon.

Nabatid na nasa Rank 7  sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng Basud MPS ang nadakip na suspek na posibleng maharap sa habambuhay na pagkakabilanggo kung mapapatunayang may sala ng korte dahilan sa walang inirerekomendang piyansa para sa naturang kaso.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.