MGA KALSADA SA BAYAN NG DAET MAGLILIWANAG SA MGA KARAGDAGANG STREETLIGHTS NA IPAPAKALAT NI MAYOR B2K NGAYONG TAON!

pailaw3

Enero 16, 2018, Daet, Camarines Norte – Patuloy ngayong taon ang una nang nasimulang pagpapailaw ng Administrasyong Ochoa sa mga kalsada sa bayan ng Daet.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla – De Luna, pagpasok pa lamang ng taong 2018 ay inaasikaso na umano ni Mayor Benito “B2K” Ochoa ang pagkakaroon ng mga karagdagang konkretong electrical post at LED lights na magbibigay liwanag sa mga madidilim na kalsada sa bayan ng Daet.

Magugunitang nitong nakalipas na taong 2017 ay halos napailawan na ng alkalde ang mga pangunahing lansangan sa nasambit na bayan at isa ito sa mga itinuturong dahilan ng pagbaba ng mga naitatalang krimen at aksidenteng nagaganap sa kalsada bagay na ikinatutuwa ng Punong Bayan at ipinagpapasalamat naman ng mga mamamayan.

pailaw1
pailaw2

Ngayon ay nakatutok naman ang alkalde sa pagpapailaw sa mga nalalabi pang madidilim na kalsada sa kasentruhan maging sa mga barangay.

Nabatid na isa ang nasambit na proyekto sa mga prayoridad ni Mayor Ochoa na agad nasimulan mula nang maupo ito sa puwesto at ngayon nga ay napapakinabangan na.

Nais umano ng alkalde na masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan lalo na tuwing inaabot ang mga ito ng gabi sa paglalakad pauwi sa kani kanilang mga tahanan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *