TRUCK, AKSIDENTENG BUMANGGA SA ISANG MOTORSIKLO SA BAYAN NG SAN VICENTE!

Enero 16, 2018, San Vicente, Camarines Norte – Ligtas at nagpapagaling na sa Camarines Norte Provincial Hospital ang driver at backrider ng isang motorsiklo pati na rin ang driver ng truck na sangkot sa isang insidente ng banggaan sa  Brgy Man Ogob San Vicente, Camarines Norte dakong 5:00 ng hapon kahapon, Enero 15, 2018.

Kinilala ang driver ng truck na si Jeffrey Abaño y Francia at driver ng motorsiklo na si Lonson Wang y Sanchez, 62 anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Barangay San Jose ng parehong bayan habang kinilala naman ang backrider nito na si Julio Sanchez y Sta Maria.

Sa imbestigasyon ng San Vicente Municipal Police Station, binabaybay umano ng truck ang provincial road mula sa bayan ng San Vicente patungo sa bayan ng Daet nang sa pagsapit sa lugar ng insidente ay nagtangka umano itong mag overtake sa nasa unahang sasakyan kung saan hindi nito napansin ang kasalubong na motorsiklo at doon na ito aksidenteng nabangga.

Mapalad namang nakaligtas ang driver at backrider ng motorsiklo na nagtamo ng minor injuries sa katawan gayundin ang driver ng truck na sa kasalukuyan ay nagpapagaling na sa Panlalawigang Pagamutan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.