47 ANYOS NA LALAKI, HULI SA TANGKANG PAGNANAKAW SA ISANG GROCERY STORE SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Enero 17, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Huli sa tangkang pagnanakaw sa isang grocery store ang isang 47 anyos na lalaki sa Purok 3, Brgy. South Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng Jose Panganiban Municipal Police Station, dakong 1:00 ng hapon kahapon, Enero 16, 2017 nang mapansin ng security guard ng Mcel Grocery Store na pag aari ni Melchor Panganiban y Edaugal ang kahina hinalang kilos ng isang lalaki na palabas ng nasambit na tindahan.

Hiningi umano ng security guard ang resibo para sa dalawang pakete ng sigarilyo na dala nito na nagkakahalagang Php 1,540.00 subalit  imbes na tumalima ay mabilis itong tumakbo palayo.

Agad namang hinabol at naaresto ng gwardiya ang suspek na kinilalang si Amador Zuñega Y Edanan, 47 anyos at residente ng Purok 5, Brgy. Dumagmang, Labo, Camrines Norte.

Positibo rin umanong nakunan ng CCTV footage ng tindahan ang ginawang pagnanakaw ng suspek.

Sa kasalukuyan any inihahanda na ang kaukulang reklamong isasampa laban dito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.