41 ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG PARACALE, ARESTADO SA KASONG MAY KAUGNAYAN SA ILEGAL NA DROGA!

41 ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG PARACALE, ARESTADO SA KASONG MAY KAUGNAYAN SA ILEGAL NA DROGA!

Enero 18, 2018, Paracale, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng isang 41 anyos na lalaki matapos arestuhin ng mga personel ng Paracale Municipal Police Station sa Purok Mapang akit, Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte 8:40 ng umaga kahapon, Enero 17, 2018.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Winston S. Racoma ng Regional Trial Court, Branch 39, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Disyembre 4, 2017, naaresto ang suspek na si Antonio Obog y Diana alyas “Pongi”, 41 anyos, residente ng nasambit na lugar.

Si Obog ay may kinakaharap na kasong paglabag sa Section 12, Article II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa ilalim ng criminal case no. 18584.

Nabatid na may inirerekomenda ang korte na Php 80,000.00 halaga ng piyansa para sa naturang kaso.

Nasa kustodiya na ng Paracale MPS ang suspek para sa kaukulan disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *