RESOLUSYON PARA SA MOBILE PASSPORTING SA LALAWIGAN NG CAMNORTE, INAPRUBAHAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN!

sp608

Enero 18, 2018, Daet, Camarines Norte – Isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlalawigan na madala sa lalawigan ng Camarines Norte ang Mobile Passporting ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang mailapit sa mga CamNorteño ang mga serbisyo ng naturang ahensiya sa pagpuproseso ng mga pasaporte.

Sa naging panayam ng Cool Radio News Fm kaninang umaga kay Board Member Pol Gache, masaya nitong ibinalita na sa ginanap na Regular Session kahapon, Enero 17, 2018 ay inaprupahan na ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Jonah Pimentel ang isang resolusyon na naglalaman ng request para kay DFA Secretary Allan Peter Cayetano na madala sa lalawigan ng Camarines Norte ang Mobile Passporting ng nasambit na ahensiya.

Aniya, bagaman isa pa lamang itong request ay positibo sila na magiging maganda ang tugon dito ng ahensiya at gagawin nila ang lahat upang maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.

Layunin umano nito na matulungan ang mga mamamayan sa lalawigan ng Camarines Norte na maiproseso ang mga pasaporte nang hindi na kailangan pang probinsiya bagay na malaking tulong dahilan sa mababawasan ang gastusin para sa pamasahe at panahon.

Buo rin umano ang suporta ng ama ng lalawigan Gov. Egay Tallado sa nasambit na pagkilos ng Sangguniang Panlalawigan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *