3 KALALAKIHAN ARESTADO MATAPOS MAAKTUHANG GUMAGAMIT NG HINIHINALANG ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

3 KALALAKIHAN ARESTADO MATAPOS MAAKTUHANG GUMAGAMIT NG HINIHINALANG ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Enero 21, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Huli habang nagsasagawa ng “pot session” ang tatlong (3) kalalakihan sa Purok 5, Barangay Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte dakong 7:40 ng gabi nitong nakatalikod na Enero 18, 2018

KInilala ang mga suspek na sina Fidel Muñoz y De Leon alias “Kamatis” 51 anyos, Jonel Pablo y Alim, 46 anyos kapwa residente ng Purok 5, Brgy. Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte.at Erwin Corod y Yaba, nasa hustong edad at residente ng Purok 7 ng parehong barangay.

Base sa report ng Jose Panganiban Municipal Police Station, huli sa akto habang gumagamit ng hinihinalang ilegal na droga ang nasambit na mga suspek sa bahay ni alias “Kamatis” dahilan para arestuhin ito ng mga personel ng nasambit na istasyon ng pulis at mga opisyal ng naturang Barangay.

Nakuha sa mga ito ang isang (1) maliit na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang (1) lighter na may nakarolyong  aluminum foil,  dalawang (2) rolyo ng aluminum foil na naglalaman ng pinaniniwalaang residue ng shabu at isang (1) lampara.

Nasa kustodiya na ng Jose Panganibang MPS ang mga nadakip na suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na rin ang kaukulang kasong isasampa laban sa mga ito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.