31 ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG LABO, TIMBOG SA IKINASANAG BUY BUST OPERATION NG MGA OTORIDAD!

31 ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG LABO, TIMBOG SA IKINASANAG BUY BUST OPERATION NG MGA OTORIDAD!

Enero 22, 2018, Labo, Camarines Norte – Timbog sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad ang isang 31 anyos na lalaki sa Purok 3, Brgy. Masalong, Labo, Camarines Norte dakong 5:30 ng hapon kamakalawa, Enero 20, 2018.

Kinilala ang suspek na si Anthony Nano y Federico alias “Thony”, 31 anyos, may kinakasama at residente ng Purok 6, Barangay Masalong, Labo,Camarines Norte.

Ayon sa tala ng Labo Municipal Police Station, naaresto ang nasambit na suspek ng pinagsamang pwersa ng Regional Intelligence Division/Regional at Provincial Drug Enforcement Unit 5, Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company (CNPMFC), CN2ndPMFC, Philippine Drug Enforcement Agency Camarines Norte at Labo Municipal Police Station (MPS) MDEU sa ikinasang buy bust operation sa nasambit na lugar na sinaksihan rin ng representative mula sa media.

Nagresulta rin ang nasambit na operasyon sa pagkakakumpiska mula sa suspek ng isang  (1) maliit na heat sealed plastic transparent sachet na  naglalaman ng hinihinalang shabu na ginamit sa transaksiyon ng buy bust , apat (4) pang kahalintulad na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) Php 500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang (1) black grey coin purse at isang (1) green lighter.

Nasa kustodiya na ng Labo MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa dito para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.