BABAE ARESTADO SA KASONG QUALIFIED THEFT SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

BABAE ARESTADO SA KASONG QUALIFIED THEFT SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Enero 23, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte โ€“ Arestado sa kasong Qualified Theft ang isang babae sa Purok 3, Barangay Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte kahapon, Enero 23, 2018.

Base sa tala ng Jose Panganiban Municipal Police Station, nadakip ng mga personel ng naturang istasyon ang suspek na si Josie Lapak y Dela Rosa, nasa hustong edad at residente ng nasambit na lugar sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Winston S.  Racoma ng Regional Trial Court Branch 39, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Abril 22, 2014 para sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng criminal case number 16065.

Nabatid na si Lapak ay Rank 4 sa listahan ng Lambat Sibat ng naturang istasyon ng kapulisan.

May inirerekomenda ang korte na Php 78, 000.00 halaga ng piyansa para sa nasambit na kaso.

Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.