CAMARINES NORTE STATE COLLEGE, NAG UWI NG 31 GINTONG MEDALYA; CNSC, RANK 4 SA OVER ALL RANKING NG KATATAPOS NA REGIONAL SCUUA MEET 2018!

scuaa608

Enero 23, 2018, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na naiuwi ng mga atleta mula sa Camarines Norte State College ang 31 gold medals,  35 silver medals at 16 bronze medals ng ibat ibang sports events at nakuha rin ang ikaapat na puwesto sa over all ranking sa katatapos lamang na Regional State Colleges and Universities Athletic Association o RSCUAA Meet 2018 na ginanap sa Sorsogon State College, Sorsogon City.

Wagi sa magkakaibang sporting events ang mga atletang CamNorteño na nakapag uwi ng kabuuang 31 gintong medalya kung saan 21 rito ay mula sa sports na arnis, 7 mula sa athletics at 3 sa beach volleyball.

Baon rin ng Team CNSC sa pagbabalik sa lalawigan ang 35 silver medals at 16 bronze medals mula sa iba pang sport events na nilahukan ng mga manlalaro.

Pasok naman ang mga sumusunod na manlalaro sa Nationals:

Miguel Poblete – arnis
Rafhael Poblete – arnis
Marvin Jay Moresca – arnis
Roselle David – arnis
Ailene Joyce Tirso – arnis
Jahnine Salva – arnis

Dealyn Octa – athletics
Jenalyn Florendo – athletics
Daniel Pancho – athletics

Cedie Vendiola – beach volleyball
Zaina Rose Aler – beach volleyball
Kimberly Villacruel – beach volleyball

Sa kabuuan ay nasungkit ng Team CNSC ang ikaapat na pwesto sa overall ranking mula sa siyam (9) na State Colleges and Universities na naglaban laban.

Nakatakdang magtungo ang mga nasambit na mga atletang mag aaral sa National SCUAA Meet 2018 na gaganapin sa susunod na buwan sa probinsiya ng Antique.

Camarines Norte News

Photos courtesy of

Leave a Reply

Your email address will not be published.