MGA PADYAK PARA SA SOLID WASTE COLLECTION NG MGA BARANGAY SA BAYAN NG DAET, MALAPIT NANG IPAMAHAGI!

swm608

Enero 23, 2018, Daet, Camarines Norte – Malapit nang ipamahagi sa mga barangay sa bayan ng Daet ang mga padyak na napurchase ng Lokal na Pamahalaan ngayong buwan ng Enero 2018 na gagamitin sa pagkolekta ng mga solid wastes sa mga barangay.

Ito ang kinumpirma ni Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla – De Luna sa panayam ng Camarines Norte News.

Aniya, hinihintay na lamang na dumating ang nasambit na mga padyak na nakatakdang ipamahagi bago matapos ang buwan ng Pebrero sa taong kasalukuyan.

Parte ang nasambit na pagkilos ng sinisimulan ng 10 year solid waste management plan ng Administrasyong Ochoa kung saan bawat barangay ay inatasang bumuo ng Baranggay Solid Waste Management Council at Baranggay Solid Waste Management Plan.

Dito ay mahigpit na ipapatupad ang “No segregation, No Collection Policy”sa mga kabahayan sa lebel pa lamang ng mga barangay upang matulungang bawasan ang problema kinakaharap ng munisipyo sa pagkolekta at pagtatapon ng mga basura bagay na naiwan pa ng nakalipas na administrasyon.

Nakapaloob sa naturang plano ang mga hakbangin ukol sa mas maayos na sistema ng paghihiwalay ng mga basura, pagkolekta , pagtatapon at pagrerecycle ng mga mapapakinabangan pa nang sa gayon ay mga residual at toxic wastes na lamang ang kokolektahin ng munisipyo.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *