41 ANYOS NA LALAKI TIMBOG SA IKINASANG BUY BUST OPERATION NG OTORIDAD SA BAYAN NG TALISAY!

drug608

Enero 24, 2018, Talisay, Camarines Norte โ€“ Timbog sa isinagawang buy bust operation ng otoridad ang isang 41 anyos na lalaki sa Purok 1 Brgy. Itomang, Talisay, Camarines Norte dakong 4:45 kahapon, Enero 23, 2018.

Kinilala ang suspek na si Ramil Arciga Y Lacson, 41 anyos, may asawa at residente ng Block 1 Lot 8 Heritage Homes Subdivision, Brgy Binanuanan ng parehong bayan.

Base sa tala ng Talisay Municipal Police Station, nadakip ang nasambit na suspek ng mga personel ng naturang MPS at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Norte matapos magpositibo ang transaksiyon nito sa poseur buyer at nakuha mula dito ang isang (1) sachet ng pinaghihinalaang ilegal na droga.

Nakuha rin mula sa suspek ang dalawa (2) pang sachet ng hinihinalang shabu, isang (1) Php 500.00 bill na ginamit bilang buy bust money at Php 480.00.

Nasa kustodiya na ng Talisay MPS ang suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.