HINIHINALANG ILEGAL NA DROGA, NAKUMPISKA SA ISANG 34 ANYOS NA LALAKI MATAPOS SILBIHAN NG SEARCH WARRANT SA BAYAN NG MERCEDES!

bbust1

Enero 24, 2018, Mercedes, Camarines Norte โ€“ Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa  RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang isang 34 anyos na lalaki sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Base sa report ng Mercedes Municipal Police Station, dakong 4:00 kaninang madaling araw ay sinilbihan ng search warrant no. D-8-2018 ng mga personel ng Mercedes MPS, PIB and CNFMC  sa Purok 2, Brgy 6 ng nasambit na bayan ang suspek na si Jonas Estrella y Mago, 34 anyos, residente ng nasambit na lugar.

Ang nasambit na search warrant ay ibinaba ni Executive Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte kahapon Enero 23, 2018.

Nagresulta ang nasambit na operasyon sa pagkakadakip sa suspek matapos makumpiska mula dito ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

bbust3
bbust2

Nasa kustodiya na ng Mercedes MPS ang suspek at nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.