KARAGDAGANG RESCUE VEHICLE PARA SA MDRRMO AT MGA BANGKA PARA SA BANTAY DAGAT; NAPURCHASE NA NG LGU DAET!

new.vehicle608

Enero 25, 2018, Daet, Camarines Norte – Napurchase na ng LGU Daet sa pamumuno ni Mayor Benito “B2K”Ochoa ang mga karagdagang sasakyan para sa mga MDRRMO at Coast Guard.

Sa katunayan, ayon kay Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla -De Luna, sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng MDRRMO Daet ang bagong rescue vehicle habang parating na rin sa sususnod na buwan ang tatlong (3) bangka para naman sa Coast Guard.

Ang pagpurchase ng mga karagdagang sasakyan ay isa sa mga hakbanging isinagasawa ng Lokal na Pamahalaan ng Daet upang mas matutukan ang pagbabantay sa karagatang sakop ng bayan at para na rin mas mapabilis ang mga rescue operations sa mga oras ng emergency o sakuna.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.