2 KATAO PATAY, 1 PA NAWAWALA MATAPOS TUMAOB ANG ISANG BANGKA MULA SA ISLA NG CARINGO, MERCEDES, CAMNORTE!

brgy1.608

Enero 27, 2018, Mercedes, Camarines Norte โ€“ Wala ng buhay nang matagpuan kaninang umaga malapit sa baybayin na sakop ng Brgy. I, Mercedes Camarines Norte ang dalawang babaeng lulan ng maliit na bangkang tumaob mula isla ng Caringo habang pinaghahanap pa ng mga otoridad ang isa pang kasamahan ng mga ito na nawawala.

Base sa pakikipag ugnayan ng Camarines Norte News sa MDRRMO Mercedes sa pamumuno ni Sir Jude Hernandez, isang report umano ang natanggap ng kanilang opisina mula kay Kgwd. Fidel Adan tungkol sa dalawang kababaihan na natagpuang palutang lutang sa baybayin na sakop ng Brgy.I, Mercedes Camarines Norte dakong 6:21 kaninang umaga.

Agad na rumisponde ang mga personel ng MDRRMO, PNP at PCG sa naturang lugar at dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Lolita C. Aragon, 57 anyos at Rica Belle Tiam, 24 anyos kapwa residente ng Brgy. Caringo, Mercedes, Camarines Norte.

Patuloy naman ang isinasagawang retrieval operation sa nawawala pang biktima na kinilalang si Albert Canaria.

Pinaniniwalaang inabot ng malakas na ulan at alon  sa gitna ng karagatan ang naturang bangka na naging sanhi ng pagtaob nito.

Camarines Norte News

Photos courtesy of MDRRMO Mercedes

Leave a Reply

Your email address will not be published.