HINIHINALANG TULAK NG DROGA, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET; 1.1 MILYON HALAGA NG PINANINIWALAANG SHABU, NASAMSAM!

daet.bust2

Enero 27, 2018, Daet, Camarines Norte โ€“ Timbog sa isinagawang buy bust operation ng Daet MPS, PDEA at MIG5-CN kagabi ang isang 35 anyos na babae sa  Purok 1, Brgy Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Base sa tala ng Daet Municipal Police Station, dakong 10:34 kagabi, Enero 26, 2018 nang isagawa sa nasambit na lugar ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Maria Veronica Duero y Soliman, 35 anyos, residente ng Magallanes Iraya, Brgy Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Positibong nakuha mula kay Duero ang isang nakataling plastic bag na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 250 grams o 1/4 kilo at may estimated street value na isang milyon at isandaang libong piso (Php 1, 100, 000.00).

daet.bust1

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang nakumpiskang ebiidensiya para sa kaukulang disposisyon gayundin ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Camarines Norte News

Photos courtesy of Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.