KATAWAN NG LALAKING NAWALA MATAPOS TUMAOB ANG SINASAKYANG BANGKA SA BAYAN NG MERCEDES NATAGPUAN NA SA BAYAN NG DAET!

KATAWAN NG LALAKING NAWALA MATAPOS TUMAOB ANG SINASAKYANG BANGKA SA BAYAN NG MERCEDES NATAGPUAN NA SA BAYAN NG DAET!

Enero 29, 2018, Daet, Camarines Norte – Natagpuan na sa baybaying sakop ng Brgy. Bagasbas kaninang madaling araw ang katawan ni Alberto Canaria y De Vera, 29 anyos, residente ng Brgy. Caringo Mercedes, Camarines Norte.

Una nang napabalitang nawawala si Canaria matapos na tumaob ang sinasakyan nitong bangka kamakalawa, Enero 27, 2018 mula Caringo Island kasama ang dalawa pang biktima na una ng kinilala.

Sa tala ng Daet Municipal Police Station, dakong 12:40 kaninang madaling araw nang matagpuan ang bangkay ni Canaria ng mga mangingisda sa baybayin ng Bagasbas beach, Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Positibong namang kinilala ng kapatid nito ang natagpuang bangkay na may tattoo na “Alberto” sa dibdib at nakasuot ng puting shorts bilang ang nawawala ngang si Alberto Canaria.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.