RANK 2 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON NG LABO MPS PARA SA BUWAN NG ENERO NGAYONG TAON, ARESTADO!

RANK 2 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON NG LABO MPS PARA SA BUWAN NG ENERO NGAYONG TAON, ARESTADO!

Enero 30, 2018, Daet, Camaries Norte โ€“ Arestado kahapon sa bayan ng Daet ang 36 anyos na lalaking rank 2 sa listahan ng municipal most wanted person ng Labo Municipal Police Station para sa buwan ng Enero, taong kasalukuyan.

Kinilala ang suspek na si Marlan Tayas Y Delemios, 36 anyos, residente ng Purok 2, Brgy. Exciban, Labo, Camarines Norte .

Naaresto si Tayas ng mga personel ng Camarines Norte Criminal Investigation Detection Team, Regional Intelligence Division 5, 1st Camarines Norte Provincial Mobile Force Company, Labo MPS at Daet MPS dakong 11:00 ng umaga kahapon, Enero 29, 2018 sa J. Lukban St., Brgy VI, Daet, Camarines Norte matapos silbihan ng warrant or arrest para sa mga kasong kinakaharap nito.

Nabatid na nahaharap si Tayas sa mga kasong Violation of R.A. 9516 sa ilalim ng criminal case No. 17-3287Violation of Section 11, Art II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa ilalim ng criminal case No. 17-3276 at Violation of R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa ilalim ng criminal case No. 17-3283.

Pawang may lagda ni Judge Alma Balilla Operio ng Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte ang mga warrant of arrest na inihain sa suspek.

Nasa kustodiya nan g Labo MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Camarines  Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.