PAGNANAKAW SA ISANG TAHANAN SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, NAKUNAN NG CCTV!

Pebrero 31, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Arestado matapos makunan ng cctv ang pagnanakaw ng isang binata sa isang tahanan sa Purok 4, Barangay Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte dakong 2:20 ng madaling araw kahapon, Enero 31, 2018.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Imperio y Nabata, 24 anyos, binata at residente ng Purok 2, Barangay North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Base sa imbestigasyon ng Jose Panganiban Municipal Police Station, napansin na lamang umano ng biktimang si Samuel Sarmiento y Encila, 48 anyos na nawawala na sa loob ng kaniyang tahanan sa nasambit na lugar ang pag aari nitong isang (1) Samsung cellphone na nagkakahalagang ₱7,000.00, isang (1) Iphone na nagkakahalagang 2,500.00, isang (1) Cubix cellphone na nagkakahalagang ₱4,000.00, isang (1) USB, at wallet na naglalaman ng ₱400.00.

Agad umanong humingi ng tulong ang biktima sa mga Barangay Officials upang ireview ang footage ng cctv na nakakabit sa tahanan nito at dito na nadiskubre ang pagkakakilanlan ng suspek.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya nan g Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban dito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *