Pebrero 3, 2018, Daet, Camarines Norte – Arestado ang tatlong suspek sa kasong theft matapos ang isinagawang Simultaneous Anti-Crime Operation (SACO) sa pamamagitan ng implementasyon ng Warrant of Arrest ng mga personnel ng Camarines Norte Police Provincial Office katuwang ang Camarines Norte Provincial Intelligence Branch, Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (CNPMFC) 1st and 2nd Company, RMFB5 at Camarines Norte Criminal Investigation Detection Team (CNCIDT) kamakalawa, Pebrero 1, 2018.
Sa bayan ng Basud, naaresto dakong 10:20 ng umaga ang isang Jomel Amto y De Vera alias “Kulapnit”, 21, binata at residente ng Purok 3, Barangay Matnog, Basud, Camarines Norte.
Arestado rin si Michael Batas y Abad alias “Nongnong”, 30 anyos, residente ng Purok 4, Brgy. Matnog Basud, Camarines Norte. Naaresto si Batas dakong 12:00 ng tanghali sa Purok 2, Barangay Camambugan, Daet Camarines Norte.
Sa bayan naman ng Talisay, arestado dakong 11:30 ng umaga sa Maharlika Highway Barangay San Isidro, Talisay Camarines Norte si Arnaldo Suyat y Rosales alias “Agba”, 33 anyos, construction worker at residente ng Purok 5, Brgy. Matnog Basud, Camarines Norte.
Nabatid na nadakip ang mga suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Victoria C. Dino-Reyes ng Municipal Trial Court, Basud, Camaries Norte nitong nakatalikod na Disyembre 18, 2017 sa magkakahiwalay na crimiminal case number para sa kasong theft.
Nabatid na may inirerekomenda ang korte na halagang Php 22,000.00 na piyansa para sa bawat isang suspek.
Nasa kustodiya na ng nakakasakop ng Municipal Police Station ang mga nadakip na suspek para sa kaukulang disposisyon.
Camarines Norte News

