
Pebrero 8, 2018, Labo, Camarines Norte – Waring nabunutan ng tinik sa lalamunan ang mga residente ng Brgy. Baay partikular na sa Sitio Malpat sa bayan ng Labo matapos maisakatapuran ang hiling ng mga ito na footbridge sa kanilang lugar.
Sa ngayon ay pinakikinabangan na ang nasambit na tulay ng mga residente hindi lamang sa ligtas na pagtawid kundi sa pagdadala ng mga produktong pang agrikultura mula sa kanilang barangay patungo sa kabayanan.
Nabatid na bago magkaroon ng footbridge sa lugar, araw araw na kinakaharap ng mga residenteng tumatawid dito ang panganib at pangamba na anumang oras ay bumigay ang dating tulay na yari lamang sa pinagtaling mga kawayan. Dagdag pa rito ay marupok na rin ang naturang tulay at hindi maalis sa mga residente ang takot na mahulog sa rumaragasang ilog sa ilalim nito.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Punong Barangay Danilo Villaflores ng nasambit na barangay sa proyektong footbridge ni Governor Egay Tallado sa pamamagitan ni Mam Josie Baning Tallado (JBT) na una nang naranasan ang hirap ng pagtawid sa lumang tulay nang minsan itong magtungo kasama ang kaniyang grupo sa Sitio Malapat kaya naman sinikap nito na maisakatuparan ang proyektong ngayon nga ay nagbibigay ginhawa na sa mga residente doon.
Camarines Norte News
Photo courtesy of Roden Rosario

