MERCEDES PNP NAGPASAYA KASABAY NG ISINAGAWANG CHECKPOINT SA ARAW NG MGA PUSO!

Pebrero 15, 2018, Mercedes, Camarines Norte – Naghatid saya ang mga personel ng Mercedes Municipal Police Station habang ginagampanan ang kanilang tungkulin kahapon, Pebreo 14, 2018, araw ng mga puso.

Sa pamumuno ni PCInsp. Charles N. De Leon, isinagawa kahapon ng mga personel ng Mercedes PNP katuwang ang mga personel ng CNPMFC ang checkpoint sa bahagi ng Eco avenue, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte bilang bahagi ng PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.

Kasabay nito, nakiumisa rin ang mga ito sa pagdiriwang ng Valentines Day kung saan namahagi pa ang mga ito ng mga bulaklak, mini bears at valentines cards sa mga motorista at pasaherong dumadaan sa naturang checkpoint.

Hindi naman maitago ang ngiti lalo na ng mga kababaihan sa surpresang hatid ng mga kapulisan sa nasambit na checkpoint.

Camarines Norte News

Photos courtesy of Mercedes PNP Fb Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *