
Pebrero 19, 2018, Labo, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng isang magsasaka matapos arestuhin ng otoridad dahil sa ilegal na pagsasabong subalit nadiskubreng may mas mabigat na kaso pa itong kinakaharap.
Base sa tala ng Labo Municipal Police Station, dakong 5:00 ng hapon nang maaresto sa Barangay Malasugi, Labo, Camarines Norte ang suspek na si Angel Agaton y Malapo, 37 anyos, magsasaka at residente ng Purok 7 Barangay Tigbinan ng parehong bayan dahil sa paglabag sa Presidential Decree 449 o ilegal na pagsasabong.
Sa isinagawang beripikasyon ng kapulisan sa e-warrant system, nadiskubreng may standing warrant of arrest din ang suspek para sa kasong Murder sa ilalim ng criminal case no. 5541 na ibiniba ni Judge Angelysis Vasquez, Presiding Judge ng RTC Branch 19, Ligao City, Albay nito pang nakatalikod na Hulyo 11, 2001.
Nasa kustodiya na ng Labo PNP ang nadakip na suspek para sa kaukulang disposisyon.
Camarines Norte News

