TRAFFIC ENFORCER NA NATAGPUANG PATAY SA ISANG SEMENTERYO SA BAYAN NGLABO, HINIHINALANG NAGPAKAMATAY!

Pebrero 19, 2018, Labo, Camarines Norte – Hinihinalang may kinakaharap na personal na problema dahilan para magpakamatay ang traffic enforcer na natagpuang wala nang buhay sa Labo Public Cemetery.

Una nang kinilala ang nasambit na enforcer na si Jomar R. Rebanal, 29 anyos, may kinakasama at residente ng Purok 2, Brgy. Malasugui sa  bayan ng Labo.

Sa follow up investigation na isinagawa ng Labo Municipal Police Station,lumalabas na huling nakitang buhay si Rebanal nitong nakatalikod na araw ng martes, Pebrero 13, 2018 sa may bahagi ng LCC Store sa nasambit na bayan habang ginagampanan ang trabaho nito bilang traffic enforcer.

Mula noon ay hindi na umano umuwi ang biktima sa barangay kung saan ito nakatira.

Base sa pahayag ng nanay ng kinakasama ni Rebanal, bago ang pangyayari ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang kaniyang anak at si Rebanal kung saan isang text message ang ipinadala nito na nagsasabing  “Pag ako nawala, sa sementeryo sa Bulhao mo ako hanapin”.

Magugunitang dakong 4:15 ng hapon kamakalawa, Pebrero 17, 2018 nang matagpuan ng mga trabahdor ng Labo Public Cemetery ang bangkay ni Rebanal sa tabi ng isang nitso sa naturang lugar.

Samantala, hinihintay pa ng kapulisan ang resulta ng autopsy report upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng naturang traffic enforcer.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *