
Pebrero 24, 2018, Labo, Camarines Norte -Dalawang magkasunod na na aksidente ang naitala sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Labo kagabi, Pebrero 23, 2018 kung saan anim (6) na motorista ang naitalang sugatan.
Dakong 7:15 nang aksidenteng sumalpok ag isang Euro scooter sa isa pang nakaparadang motor sa bahagi ng Purok 5, Brgy. Talobatib ng naturang bayan.
Sangkot sa nasambit na aksidente ang tatlong kalalakihan kung saan isa sa mga backrider na kinilalang si Julius Esperas, residente ng Purok 3 Brgy Malangcao Basud ang dinala sa Bicol Medical Center matapos magtamo ng matinding injuries. Agad namang dinala sa Labo District Hospital ang driver ng motorsiklo na si Gaby Villafranca, residente ng Brgy Gumamela at isa pang backrider nito si Niño Manalo, residente ng Brgy Dalas ng parehong bayan.
Mapalad namang wala sa lugar ng insidente ang may ari ng sinalpok na nakaparadang motor na si Norlito Arce, residente ng Brgy. Talobatib.
Kasunod nito, dakong 12:10 pagpatak ng madaling araw ng Pebrero 24 ay dalawang (2) tricycle naman ang nagsalpukan sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy Masalong ng nasambit na bayan.
Kapwa nagtamo ng mga injuries ang dalawang driver na sina Ronel Lacson, residente ng Purok 1, Brgy. San Antonio at Darwin Dacuba, residente ng Purok 6, Brgy. Masalong ng parehong bayan.Nagtamo rin ng mga sugat ang isang (1) pasaherong kinilalangs si Raymark Sanchez.Agad namang dinala ang tatlo (3) sa pagamutan ng mga rumispondeng personel ng MDRRMO Labo.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Labo PNP, sinalpok umano ng tricycle na minamaneho ni Lacson, ang kasalubong nitong traysikel na minamaneho naman ni Dacuba.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Labo PNP sa mga nasambit na aksidente.
Nagpaalala naman ang kapulisan sa mga motorista na mag doble ingat sa pagmamaneho sa kalsada upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.
Camarines Norte News

