34 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION NG OTORIDAD SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Pebrero 27, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga personel ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS) ang isang 34 anyos na lalaki sa Purok 1, Brgy. Sta. Rosa Sur ng naturang bayan.

Dakong 4:00 kahapon, Pebrero 26, 2018 nang maaresto sa nasambit na lugar ang suspek na si Nardor Llorca y Garcia, 34 anyos, binata at residente ng parehong lugar.

Positibong nakumpiska mula sa suspek ang limang (5) piraso ng  Php 100.00 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang  (1) kahon ng posporo na naglalaman pa rin ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu.

Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang nasambit na suspek at nakumpiskang mga ebidensiya para sa kaukulang disposisyon habnag inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa suspek para sa paglabag sa R.A. 9165.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.