MAG AARAL MULA SA DAET ELEMENTARY SCHOOL, ITINANGHAL NA KAMPEON SA PAGSULAT NG LATHALAIN SA KATATAPOS LAMANG NA NSPC!

Pebrero 27, 2018, Daet, Camarines Norte – Gumawa ng kasaysayan ang isang mag aaral mula sa Daet Elementary School matapos nitong masungkit ang kampeonato sa pagsulat ng lathalain sa katatapos lamang kamakailan na National Schools Press Conference (NSPC).

Matagumpay na naiuwi ng grade 6 student ng DES na si James Gabriel ” Champ” A. Regondola ang pinakamataas na parangal para sa pagsulat ng lathalain sa ginanap na 98th NSPCsa Dumaguete, Negros Oriental, Region Vll nitong nakatalikod na Pebrero 19 hanggang Pebreo 23, 2018.

Dinaluhan ito ng mga mag aaral  mula sa ibat ibang rehiyon na maglalaban laban sa ibat ibang larangan ng campus journalism kasama ang kanilang mga guro at coaches.

Nangibabaw sa mga katunggali ang natatanging kakahayahan sa malikhaing pagpapabatid ng impormasyon ni Regondola sa kaniyang lathalaing “Ipaubaya na Lang sa Hangin”kung saan ilan sa mga linyang nakapaloob dito ay: ” Ako ay Nagsulat at patuloy na magsusulat. Sa bawat tintang pumatak, sa bawat letrang nailatak, sa bawat salitang naisalang , sa bawat bantas na humampas at say bawat pangungusap na nahanap, nakabuo ako ng isang Lathalain. At sa pagsulat ko nito, natuto akong mag move-on”.

Nabatid na ang umikot sa paksang “Ako ay Millennial . Bilang isang millennial , paano mo tuturuan o ipapaalam sa Generation X Kung paano ka kumilos o mag-isip?”

Bunga ang nasambit na parangal ng angking talent at pagsisikap ni “Champ” sa tulong at gabay ng mga magulang nito na sina Mrs. Lea Rose A. Regondola at Mr. Paul Jurel Y. Regondola.

Nagpasalamat rin ang kampeon sa kaniyang adviser na si Ginang Catalina Evidor lalung lalo na rin sa masigasig na coach na si Ginang Merlita Lagones.

Nagpaabot rin ito ng pasasalamat sa mga taong gumabay at tumulong upang makamit ang tagumpay sa naturang kumpetisyon. Ilan sa mga pinasalamatan ay sina G. Rheuben Rigon ng Vicente Basit Memorial High School, Ma. April Mier ng Bicol University, Merly Retig ng Basud National High School, Venus Lamadrid ng Vinzons Pilot High School, Aileen Andal ng Camarines Sure National High School, Ma’am Emma Dasco  – Camarines Norte Campus Journalism Supervisor at Regional Director Ramon Fiel G. Abcede.

Samantala, ilan pa sa mga una nang natanggap na parangal ni “Champ” sa larangan ng Campus journalism ay ang mga sumusunod:

District Level (1st place)

Sept.7, 2017, Pandan Elementary School

Division Level (1st place)

Sept 14-16,2017 Vinzons Pilot Elementary School

Regional Level (3rd place)

November 7-10,2017 Sorsogon National High School

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.