RANDOM INSPECTION NG LGU DAET SA MGA BUSINESS ESTABLISHMENTS, NAGPAPATULOY; MGA NEGOSYONG WALANG PERMIT, IPASASARA!

Pebrero 27, 2018, Daet, Camarines Norte – Patuloy ang isinasagawang random inspection ng joint inspection team ng LGU Daet sa mga business establishments sa naturang bayan upang siguruhing sumusunod ang mga ito sa mga patakarang itinakda ng lokal na pamahalaan sa pagnenegosyo partikular na sa pagkakaroon ng business permit.

Kaugnay nito, mahigpit ang naging paalala ni Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla- De Luna sa mga may ari ng negosyo na hanggang ngayong buwan ng Marso na lamang ang ibibigay na palugit para sa mga negosyong hindi pa nakakapag comply ng business permit.

Aniya, sa pagsapit ng buwan ng Abril sa taong kasalukuyan, ang mga madidiskubreng walang business permit ay bibigyan ng 15 araw upang magcomply subalit kung hindi tumalima ang mga ito ay tuluyan na itong ipapasara.

Ayon pa sa opisyal, mahabang panahon na ang ibinigay na kosiderasyon ng lokal na pamahalaan sa mga ito kaya naman sisiguruhin na walang makakaligtas sa pagpapatupad ng naturang batas.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *