UTANG NG MGA MAGSASAKA SA IRIGASYON, KAILANGAN PA RIN BAYARAN SA NIA MATAPOS IPATUPAD ANG LIBRENG PATUBIG!

NIA608

Marso 1, 2018, Daet, Camarines Norte – Kailangan pa rin bayaran ng mga magsasaka ang kanilang
dating pagkakautang sa irigasyon sa National Irrigation Administration (NIA) matapos ipatupad ang
libreng patubig na isinulong at inaprubahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte at ng senado ng
nakaraang taon.
Ito ang pahayag ni Research Assistant Mar Villamonte ng NIA Camarines Norte sa
isinagawang Talakayan sa PIA ng Philippine Information Agency (PIA) provincial office sa DWCN-FM
Radyo Pilipinas.
Ayon kay Villamonte, base sa guidelines ay ang current lamang ang naaprubahan kung saan ang dating
mga back account mula ng magpatupad ng paniningil ang NIA sa Irrigation Service Fee
(ISF) at Communal para sa amortization fee ay hindi saklaw ng batas at kailangan na ito ay bayaran.
Aniya, sa circular ng National System (NS) ng nakaraang taon sa (NC 54) condonation o pagpapababa
ng mga malalaking pagkakautang ng mga magsasaka ay nagtapos na ng Disyembre 31, 2017 kung saan
ang mga nakapag-avail nito bago magtapos ang condonation ay sila ang patuloy na magbabayad.
Ayon pa rin kay Villamonte sa mga hindi naman nakapag-avail na marami pa ang pagkakautang sa NIA
at ito ay kanilang binalewala ay subject for legal matters na ito at sila ay sisingilin pa rin ng NIA.
Samantala patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang monitoring sa mga proyekto at sistema ng
irigasyon upang malaman agad kung mayroong mga problema sa patubig, kung magkakasama pa ang
mga samahan ng irigasyon ganundin ang kanilang mga dokumento tungkol sa asosasyon.

Maliban pa dito ay isinasagawa rin ang mga pagsasanay para sa mga magsasaka kabilang na ang
tamang pagpapadaloy ng tubig at pangangalaga sa kanilang irigasyon ganundin ang mga obligasyon ng
bawat opisyal at miyembro ng asosasyon.
Ayon pa rin kay Villamonte na ang NIA ay handang tumulong sa mga magsasaka sa maaaring ibigay o
tulong para sa irigasyon at patubig ay magsadya pa rin sa kanilang tanggapan.
Ang pinakamalaking dam sa Bicol ay nasa sa lalawigan ng Camarines Norte na matatagpuan sa
barangay Alawihao sa bayan ng Daet kung saan dito nagmumula ang tubig patungo sa mga irigasyon na
nagbibigay suplay sa mga bayan ng Basud, Mercedes, Talisay at Vinzons.
 
Reyjun Villamonte
For Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *