18 ANYOS NA BINATA PATAY SA PAGSALPOK NG MINAMANEHONG MOTORSIKLO SA ISANG TRUCK SA BAYAN NG STA ELENA!

sta.elena650

Marso 5, 2018, Daet, Camarines Norte – Patay ang isang binatang driver habang sugatan naman ang backrider nito matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang truck sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Purok 1, Brgy. San Vicente, Santa Elena, Camarines Norte dakong 10:30 ng umaga kahapon, Marso 4, 2018.

Kinilala ang nasawing driver ng Euro Keeway RCS 125 motorcycle na si Ryan Paglaon y Pinili, 18 anyos, binata at residente ng Sitio Doongan, Brgy. Maulawin ng nasambit na bayan habang kinilala naman ang backrider na si Ronel Orogo y Bañares, 18 anyos, residente ng Purok 3 ng parehong barangay.

Sangkot din sa nasabing aksidente ang isang (1) kulay asul na Isuzu Forward Truck na may plate number RKZ255, minamaneho ni Mariano Balmes y Custodio, 46 anyos, residente ng Purok 13, Barangay Poblacion ng parehong bayan.

Sa imbestigasyon ng Sta. Elena Municipal Police Station, binabaybay ng truck ang bahagi ng highway patungong Brgy. San Vicente mula sa Brgy. Poblacion ng naturang bayan nang pagsapit sa lugar ng insidente ay bigla na lamang sumalpok sa kanang bahagi nito ang motorsiklo na mabilis naman umanong binabaybay ang kasalungat na direksiyon.

Bunga nito, tumilapon ang driver at backrider ng motorsiklo sa kalsada na kapwa nagtamo ng mga injuries sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Agad na dinala ang dalawa (2) sa Rosary of Virgin Mary (ROVIMA) Hospital sa nasambit na bayan subalit binawian ng buhay ang driver na si Paglaon habang nilalapatan ng lunas.

Nasa kustodiya nan g Sta. Elena MPS ang mga sasakyang sangkot sa aksidente para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *