Marso 14, 2018, Daet, Camarines Norte – Tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang 46 anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng isang binata dakong 6:30 kamakalawa ng gabi sa may bahagi ng J. Lukban St. Brgy.VI, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang biktimang si Ceracio Tobato y Asuncion alias “Bagi”, 46 anyos, tindero ng isda at residente ng Purok 5, Brgy. 3, Mercedes, Camarines Norte.
Ayon sa report ng Daet Municipal Police Station, habang nakaupo umano sa nasambit na lugar ang biktima, bigla na lamang itong nilapitan ng suspek na kinilalang si Mark Anthony Negado y Puestas alias “Tusi”, nasa hustong edad, binata at residente ng Purok 1, Brgy. IV Mantagbak, Daet , Camarines Norte.
Walang sabi sabi umanong pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan gamit ang isang icepick.
Matapos ang pananaksak ay agad umanong tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Barangay IV ng nasambit na bayan habang isinugod naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktima.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Daet PNP para sa pagkadarakip ng tumakas na suspek.
Camarines Norte News

