3 KATAO SUGATAN SA PANANAKSAK NG ISANG LASING SA BAYAN NG MERCEDES!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/06/mercedesmap608-1.jpg

Abril 2, 2018, Mercedes, Camarines Norte – Agad na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital ang dalawang (2) ginang at isang (1) bata matapos saksakin ng isang nag aamok na lasing sa Purok 1A, Brgy. 7, Mercedes, Camarines Norte kahapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Vivian Flordeliz y Lopedo, 69 anyos, Jessa Flordeliz y Lopedo, 37 anyos at isa pang menor de edad na itinago ang pagkakakilanlan, pawang mga residente ng nasambit na lugar.

Ayon sa imbetigasyon ng Mercedes Municipal Police Station, dakong 6:30 kagabi, Abril 1, 2018 nang mag amok ang lasing na suspek na kinilalang si Rustico Magalona Jr. y Glodo, 43 anyos, residente ng parehong lugar.

Bigla na lamang umanong sinugod ng suspek na armado ng icepick at kitchen knife ang mga biktima at sinaksak ang mga ito.

Sinubukan pa umanong awatin ng rumispondeng police officer suspek at kinumbinsing sumuko na subalit pumalag ito at nagtangka pang manaksak ng iba dahilan para paputukan na ito.

Agad din namang dinala sa Panlalawigang Pagamutan ang suspek at nakuha mula dito ang mga patalim na ginamit sa insidente para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *