PADRE DE PAMILYA PATAY MATAPOS SAKSAKIN NG NAKAALITAN NITO SA BAYAN NG BASUD!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/05/basud-map-608.jpg

Abril 18, 2018, Basud, Camarines Norte – Patay ang isang 48 anyos na padre de pamilya matapos saksakin ng nakaalitan nito sa Purok 5, Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte dakong 1:00 ng hapon nitong nakatalikod na Abril 15, 2018.

Base sa report ng Basud Municipal Police Station, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa nasambit na oras at lugar ang biktimang si Rogelio Lobrigo y Embido, 48 anyos at suspek na si Raymark Sayno, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa hindi inaasahan ay nauwi sa malagim na insidente ang pagtatalo ng dalawa matapos na saksakin umano ng suspek ang biktima sa tiyan at iba pang bahagi ng katawan nito gamit ang isang pana na pangisda.

Naisugod pa ng mga kaanak ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ng attending Physician.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Basud PNP para sa ikadarakip ng suspek habang inihahanda na rin ang kaukulang kasong isasampa laban dito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *