Abril 23 2018, Labo, Camarines Norte – Patay ang isang 61 anyos na senior citizen matapos aksidenteng mabangga ng isang van sa Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte dakong 5:00 ng hapon kahapon, Abril 22, 2018.
Kinilala ang biktimang si Eduardo Ren y Sarmiento, 61 anyos, company driver at residente ng Purok 2 ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ng Labo Municipal Police Station, tinatahak ng Toyota Hi Ace van na may plakang AAI 4155 na mainamaneho ni Eugene Bagnes y Sy, 28 anyos, may asawa at residente ng Quezon City ang kalsada patungong Manila mula sa bayan ng Vinzons.
Pagsapit sa lugar ng insidente nag over-take umano sa isa pang sasakyan ang Toyota Hi Ace at aksidente nitong nabangga ang biktima na naglalakad naman sa kaliwang gilid ng kalsada.
Agad na binawian ng buhay ang biktima matapos magtamo ng matinding injury dahil sa aksidente.
Dinala na sa punerarya ang katawan ng biktima upang sumailalim sa autopsy examination.
Samantala, nasa kustodiya na ng Labo PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
Camarines Norte News

