Abril 23, 2018, Daet, Camarines Norte – Nanaig ang gandang Paracaleña sa katatapos lamang na Grand Pageant Night ng Bb. Camarines Norte 2018, isa sa mga highlights ng ipinagdiriwang na 98th Founding Anniversary ng Camarines Norte at 14th Bantayog Festival.
Dinagsa ng libu-libong CamNorteño ang Agro Sports Center kamakalawa ng gabi, Abril 21, 2018 upang saksihan ang patimpalak na nagtatampok sa ganda at talino ng dalagang Camnorteña.
Kani-kaniyang pakita ng suporta sa kanilang mga pambato ang mga manunuod mula sa ibat ibang bahagi ng lalawigan.
Sa huli ay nasungkit ni Shiermay N. Elnar ng bayan ng Paracale ang prestihiyosong titulo at korona bilang bagong Bb. Camarines Norte 2018 matapos nitong malamangan sa ibat ibang bahagi ng kumpetisyon ang labinlima (15) pang katunggali sa naturang patimpalak.
Nakuha naman ni Yzabelle Urdaneta ng bayan ng Sta. Elena ang titulong Bb. Bantayog 2018 habang kinoronahan din bilang Bb. Turismo 2018 si Elaine Decano ng bayan ng Labo.
Pasok rin sa Top 5 si Mary Rose Lonzaga ng bayan ng Basud na hinirang bilang 1st Runner Up at Rona Mae Mercado na hinirang na 2nd Runner Up.
Nag uwi ng cash prize na Php 100, 000.00 ang nagwagib Bb. Camarines Norte 2018 habang Php 75, 000.00 naman ang Bb. Bantayog 2018 at Php 50,000.00 ang Bb. Turismo 2018.
Nagkamit din ng cash prize na Php 30, 000.00 ang ang nanalong 1st runner up at Php 15, 000.00 naman ang 2nd runner up.
Camarines Norte News
Photo courtesy of Caarines Norte Provincial Information Office

