DAETEÑO, GANAP NANG ABOGADO MATAPOS PUMASA SA 2017 BAR EXAMS!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/04/bar608.jpg

Abril 29, 2018, Daet, Camarines Norte – Isa nang ganap na abogado ang isang Daeteño matapos na mapabilang sa listahan ng mga nakapasa sa 2017 Bar Exams na ginanap kamakailan sa University of Sto. Tomas, Manila.

Kinilala ang bagong abogado na si Atty. Ronbert A. Ramos, anak ng yumaong dating public prosecutor na si Atty. Libertino A. Ramos.

Nabatid na si Ramos ang nag- iisang exminee na nakapasa sa 19 na examinees mula sa Camarines Norte School Of Law (CNSL) na kumuha ng nasambit na eksaminasyon nitong nakatalikod na Nobyembre, taong 2017.

Magugunitang inianunisyo ang resulta ng 2017 Bar Exams nitong araw ng huwebes ng hapon, Abril 26, 2018 matapos ang special en banc session ng mga magistrado ng korte suprema.

Isa si Atty. Ramos ng bayan ng Daet sa 1,724 na examinees na napagtagumpayan ang masusing eksaminasyon na ginanap sa loob ng apat (4) na magkakasunod na lingo. Kinapalooban ito ng walong subject kabilang na ang political law and labor law, civil law and taxation, mercantile law and criminal law, remedial law and legal ethics at practical exercises.

Napag alamang bago  natapos ni Atty. Ramos ang kursong abogasya sa CNSL taong 2017 ay kumuha at nagtapos muna ito ng kursong AB Political Science sa Ateneo De Naga University.

Matatandaang taong 2016 ay tatlong  CamNorteñong (3) graduates na rin ng CNSL ang hinirang bilang mga bagong abogado sa isinagawang 2016 Bar Exams.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *