Mayo 4, 2018, Labo, Camarines Norte – Walang saplot sa katawan ng matapuan ng mga otoridad ang katawan ng isang tatlong (3) taong gulang na paslit sa madamong bahagi ng Purok 6, Urban Poor Area, Brgy. Masalong, Labo, Camarines Norte dakong 3:00 ng hapon kahapon, Mayo 3, 2018.
Matapos ang halos 3 araw na search and rescue operations ng MDRRMO Labo, Labo PNP, BFP, Radio Groups at barangay council ng Masalong, natagpuan na ang nasambit na batang babaeng dinukot umano habang natutulog sa kanilang tahanan ng mismong tiyuhin nito madaling araw nitong nakatalikod na Mayo 1, 2018, araw ng martes.
Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak ng biktima nang matagpuan ang wala ng buhay na katawan ng bata na may indikasyon pa na ginahasa ng suspek na diumano ay lango sa ilegal na droga.
Hawak na ngayon ng kapulisan ang hindi pa pinapangalanang suspek na huling nakita ng isang testigo na karga karga ang biktima patungo sa itaas na bahagi ng Urban Poor area bago ito tuluyang nawala.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Labo PNP sa naturang insidente.
Camarines Norte News
Photo courtesy of Mark Salen and Anthony Salen

