HINDI PA NAKIKILALANG BANGKAY NG LALAKI, NATAGPUAN SA GILID NG KALSADA SA BAYAN NG STA ELENA!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/05/hitandrun1-1.jpg

Mayo 5, 2018, Sta. Elena, Camarines Norte – Isang hindi pa nakikilalang lalaking diumano ay may diperensiya sa pag iisip ang natagpuang wala ng buhay sa gilid ng kalsadang sakop ng Maharlika Highway, Purok 5, Brgy Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte nitong nakatalikod na araw ng huwebes, Mayo 3, 2018.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/05/hitandrun2.jpg

Ayon sa tala ng Sta. Elena Municipal Police Station, dakong 9:30 ng umaga ng matagpuan sa nasambit na lugar ang katawan ng lalaking pinaniniwalaang biktima ng traffic accident.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na polo shirt, itim at asul na shorts at pulang underwear.

May taas itong humigit kumulang  5’5″, kayumanggi ang balat at may tinatayang edad na 45 hanggang 50.

Bago matagpuang patay ay huli umano itong nakita ng mga residente na palaboy laboy sa nasambit na bayan na wala umano sa katinuan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang  Sta. Elena MPS ukol sa insidente at sa pagkakakilanlan ng biktima. Nananawagan din ang kapulisan na makipag ugnayan sa Hotline No. 09186192995 ang sinumang nakakakilala sa biktima.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *