BINATA ARESTADO SA PANANAKSAK SA ISANG CONSTRUCTION WORKER SA BAYAN NG DAET!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/03/stab608.jpg

Mayo 18, 2018, Daet, Camarines Norte – Arestado ang isang 29 anyos na binata matapos nitong pagsasaksakin sa tiyan ang isang construction worker habang nakikipag inuman sa Purok 2,Brgy. San Isidro, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si  Eugene Zaldua Y Dela Peña, 29 anyos, binata at residente ng nasambit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, dakong 6:00 ng gabi kamakalawa ng lumapit umano ang suspek sa nasambit na lugar kung saan nag iinuman ang biktima kasama ang kapatid at pinsan nito.

Napag alaman na nasa impluwensiya rin ng alak ang suspek na pinayuhan nang umuwi ng pinsan ng biktima.

Sumunod naman umano ito subalit makalipas ang ilang sandali ay bumalik sa lugar na armado na ng kutsilyo at walang sabi sabing pinagsasaksak ang biktima sa bahagi ng tiyan nito.

Agad na isinugod ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga kaanak nito habang nadakip naman ng mga rumispondeng pesonel ng Daet MPS PCP1 ang suspek kasama ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Nasa kustodiya na ng Daet PNP ang suspek at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *