6 NA SACHET NG HINIHINALANG SHABU, NAKUMPISKA MULA SA ISANG 31 ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2017/06/drug608.jpg

Mayo 28, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng isang 31 anyos na lalaki mula sa Purok 5, Sitio Dilian, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte matapos positibong makunan ng hinihinalang illegal na droga sa mismong tahanan nito sa nasambit na lugar.

Base sa tala ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), dakong 7:15 ng umaga kamakalawa, Mayo 26, 2018 nang magtungo sa tahanan ng suspek na si Rojan Adecer, 31 anyos ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Camarines Norte, Camarines Norte Provincial Intelligence Branch, 2nd Camarines Norte Provincial Mobile Force Company para sa implementasyon ng Search Warrant No. D-35-2018 na ibinaba ni Executive Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court, Branch 40 nitong nakatalikod na Mayo 24, 2018.

Sa paghahalughog sa tahanan ng suspek, positibong nakuha mula dito ang isang (1) plastic sachet na naglalaman ng anim (6) pang maliliit na sachet ng hinihinalang shabu.

Sinaksihan ng represenatative mula sa media at ilang barangay officials ang nasambit na operasyon.

Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang nadakip na suspek habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban ditto para sa paglabag sa Section 11 of Article II, RA 9165. Nakatakda na ring iturn-over sa PNP Crime Laboratory Office ang nakumpiskang ebidensiya para sa eksaminasyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *