6 NA HIGH DEFINITION CCTV CAMERA, IPINAGKALOOB NG PACPTD PARA SA LABO MPS!

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/06/Labo-608.jpg

6 NA HIGH DEFINITION CCTV CAMERA, IPINAGKALOOB NG PACPTD PARA SA LABO MPS!

Hunyo 20, 2018, Labo, Camarines Norte – Pinagkalooban na rin ng CCTV set ng grupo ng Provincial Advisory Council for Police Transformation and Development o PACPTD ang himpilan ng pulisya ng bayan ng Labo, Camarines Norte.

Kamakalawa, Hunyo 18, 2018, alas 7:30 ng umaga, sa Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng Labo, ipinagkaloob ni PCsupt. Efren O. Yebra ang isang set ng CCTV na may anim (6) na 1080p Bullet Type High Definition Camera at isang 22” Ultra Wide High Defenition LED Monitor.

Buong pagpapasalamat naman na tinanggap ni PSupt. Rogelyn Calandria, OIC ng Labo MPS ang nasabing donasyon mula sa grupo ni Yebra sa presensya ni Mayor Joseph Ascutia ng naturang bayan.

Ang nasabing pagkakaloob ng mga CCTV Cameras ay ilan lamang sa mga proyekto ng PACPTD na naglalayong matulungan ang kapulisan sa crime prevention at crime solution.

Si PSupt. Efren Yebra, na dati ring nanungkulang bilang Provincial Director ng CNPPO ang syang tumatayong Chairman ng PACPTD, na binubuo ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang sektor.

Una nang nakapag kaloob ng CCTV Set ang grupo ni Yebra sa Jose Panganiban MPS at sa Camp Wenceslao Q. Vinzons sa Barangay Dogongan. Susog at bahagi ito ng programang PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 ng pulisya sa bansa.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *