3 NPA, PATAY SA ENGKWENTRO LABAN SA MILITAR SA JOSE PANGANIBAN CAMARINES NORTE!

July 5, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Patay ang tatlong pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ng mga ito ang grupo ng 9IB Charlie Company ng Philippine Army kaninang alas sais y media (6:30am) ng umaga sa Sitio Banasi, Barangay Sta. Cruz, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa ulat na ipinalabas mula sa kampo ng militar, hindi nila matukoy kung ilang miyembro ng mga rebeldeng grupo ang kanilang nakasagupa sa nabanggit na lugar.

Umabot sa humigit kukulang isang oras ang naging palitan ng putok na nag iwan ng tatlong patay sa kampo ng mga rebelled.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/07/Jpang-encounter-608-b.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/07/Jpang-encounter-608-d-300x185.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/07/Jpang-encounter-608-e-300x185.jpg

Sa pagtakas ng iba pang mga rebelde, naiwan umano ng mga ito ang isang (1) AK 47’ dalawang (2) M16, isang (1) M14 Rifle, isang (1) Grenade Launcher, at dalawang (2) improvised explosives.

Walang naiulat na nasawi sa kampo ng Philippine Army habang tatlo ang napatay sa kalaban ng pamahalaan.

Agad na nagsagawa ng pursuit operation ang mga sundalo matapos ang engkwentro.

Camarines Norte News

Photos by Aris Zante Alexopoulos/Nardz Hernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *