July 20, 2018, Daet Camarines Norte – Sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, noong ika 18 ng Hulyo taong 2018, ganap na ika-11 ng gabi sa Diamond Hotel, Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte, sa pamumuno ni PSUPT ROMMEL B LABARRO, OIC, kasama ang PSOG Camarines Norte at PDEA ROV, sa pamamagitan ng Entrapment o BUY-BUST Operation isa na namang matagumpay na pagkakahuli sa isang nagtutulak ng droga ang naiatala ng Himpilan ng Pulisya sa Bayan ng Daet sa katauhan ni LOUIE VALENCIA y Cabardo, 28 taong gulang, may kinakasama, nakatira sa Purok 1, Barangay Hinipaan, Mercedes, Camarines Norte.
Siya ay nahulihan ng isang (1) piraso ng Medium unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng apat (4) na pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance suspected shabu at isang (1) piraso ng Limangdaang Piso (Php. 500.00).
Ang naturang operasyon ay nasaksihan nila Ricky Pera, media representative ng DWEN News FM Cool Radio at Brgy Kagawad Rosaoro Abarca ng Brgy Gubat, Daet, Camarines Norte. Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa ilalim ng pangangalaga ng himpilang ito na patuloy na iniimbistigahan dahil sa hinihinalaan din na suspek siya sa mga sunod-sunod na nakawan sa bayang ito.
Camarines Norte News

